Higit 11 milyong indibidwal sa isang siyudad sa China, muling isinailalim sa lockdown

233

Aabot sa 11 milyong indibidwal mula Northern City of Shijiazhuang sa China ang muling isinailalim sa lockdown ilang linggo bago ang selebrasyon ng Chinese New Year.

Ito ay matapos makapagtala ang otoridad ng higit 100 kumpirmadong bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar, pinakamataas na naitala mula sa nakalipas na limang buwan.


Dahil dito, hindi muna pinayagan ang mga residente na umalis ng siyudad habang isinara na rin ang ilang paaralan.

Kasabay nito, nagtayo na ng higit 5,000 testing sites para sa isasagawang mass testing sa kanilang bansa.

Facebook Comments