Higit 111K Pantawid Pasada cards, naipamahagi na

Umabot na sa higit 111,000 Pantawid Pasada fuel subsidy card ang naipamahaging sa mga franchise owner ng mga Public Utility Jeepney (PUJ).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), kabuuang 111,204 na Pantawid Pasada cards ang naipamahagi simula July 2018 hanggang August 5, 2019.

Katumbas ito ng ₱556,020,000.


Sa ilalim ng programa, makatatangap ng tig-P5,000 na subsidy ang mga operator at driver ng pampasaherong jeep.

Katuwang ng DOTr sa programa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Facebook Comments