HIGIT 11K NA TRABAHO, ALOK SA INDEPENDENCE DAY JOB FAIR SA REGION 1

30
Higit 11,000 trabaho ang alok sa job fair na idaraos ng Department of Labor and Employment Region 1 kasabay ng paggunita ng Araw ng Kalayaan sa darating na ika-12 ng Hunyo.
Ayon sa DOLE Region 1, 11, 627 ang kabuuang bilang ng job vacancies na alok ng 97 employers.
Sa nasabing bilang 8, 213 ang alok sa local at 3, 414 naman sa overseas.

Sa kasalukuyan nasa 4, 573 na aplikante ang nagpa pre-register.
Isasagawa ang simultanenous jon fait sa apat na lugat sa rehiyon ito ay sa Candon Civic Center sa Candon City, Ilocos Sur; CSI Mall sa City of San Fernando, La Union; Nepo Mall sa Dagupan City, Pangasinan; and Don Leopoldo Sison Convention Center sa Alaminos City, Pangasinan.
Nakatakda ding magbigay ng one stop assistance ang ibang ahensya ng gobyerno sa mga jobseekers gaya ng DTI, OWWA, TESda, NBI, PAGIBIG, PHILHEALTH, PRC, PSA AT RTWBP. | ifmnews
Facebook Comments