Higit 12.28 milyong pamilya, nabigyan ng ayuda ng pamahalaan; ‘uSAPtayo’ website para sa mga reklamo sa SAP, inilunsad ng DSWD

276

Mahigit 12.28 milyong pamilya ang nabigyan na ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).


Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rolando Bautista, katumbas ito ng P74.2 bilyon para sa 2nd tranche ng SAP.

Kabilang sa mga nabigyan na ng ayuda ang mahigit 1.3 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, higit 5.5 milyong non-4Ps members at mahigit 3 milyong waitlisted families.

Kasabay nito, inilunsad ng DSWD ang ‘uSAPtayo’ website na isang online platform kung saan maaaring magpadala ang publiko ng mga katanungan o hinaing kaugnay ng SAP.

Ang ‘uSAPtayo’ website ay maaaring ma-access 24/7 sa www.usaptayo.dswd.gov.ph.

Giit ni Bautista, patuloy na pinabubuti ng kagawaran ang mga mekanismo ng paghahatid ng serbisyo para masigurong natutugunan ang mga pangangailangan ng publiko.

Facebook Comments