Higit 120 katao, patay habang mahigit 200 ang sugatan sa panibagong karahasan sa Sudan

1514
Photo Courtesy: The New Arab

Nasawi ang tinatayang 125 katao habang sugatan naman ang mahigit 208 katao sa panibagong karahasan sa Sudan.

Base sa ulat, lumusob ang mga armadong grupo sa mga ospital pero agad silang pinaalis ng mga kapulisan at sundalo sa Dafur Region.


Dagdag pa, masasabing ito na ang pinakamatinding sagupaan na nangyari mula nang mailatag ang peace agreement noong nakaraang taon

Matatandaan, nilisan ng United Nation Peacekeepers ang Sudan matapos maisakatuparan ang usapang pangkapayapaan noong 2020.

Facebook Comments