HIGIT 13,000 NA TRABAHO, ALOK SA ONLINE JOB FAIR NG DOLE SA ARAW NG KALAYAAN

27

Aabot sa 13,000 na trabaho ang maaaring apply-an ng mga residente ng Ilocos Region sa online job fair ng Department of Labor and Employment o DOLE sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.

Ayon sa DOLE Ilocos Region, 12, 407 dito ang maaaring applyan sa lokal at 775 naman sa overseas jobs.


Ilan sa mga maaaring applyan ay Customer Service Representative, Technician, Electrician, Driver, warehouse crew, office staff, call center agent, nurse at marami pang iba.

Kailangan lamang umanong bisitahin ang facebook account ng DOLE ILOCOS REGION upang makita ang proseso ng pag-apply sa naturang online job fair.

Facebook Comments