Higit 17 milyong doses ng COVID-19 vaccines, nagamit na sa bansa – DOH

24

Umabot na sa 17,202,421 doses ng COVID-19 vaccines ang nagamit sa bansa mula nitong July 25.

Sa datos ng Department of Health (DOH), aabot 11,113,107 ang nakatanggap ng kanilang first doses habang 6,089,314 ang nakakumpleto ng two-dose regimen.


Sa mga nakatanggap ng first dose, aabot sa 1,945,838 ay mula sa frontline health services, 2,836,224 senior citizens, 3,617,104 persons with comorbidity, 2,288,859 mula sa essential sector, at 425,082 indigent population.

Ang mga nakakumpleto naman ng second doses ay nasa 1,396,737 frontline health workers, 1,600,558 senior citizens, 2,050,279 persons with comorbidity, 812,141 frontline personnel sa essential sector, at 229,599 indigent population.

Kaya muling nanawagan ang DOH sa lahat na sundin ang minimum public health standards at magpabakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments