Higit 18,000, kumuha ng PNPA Admission Test

26

Dumami pa ang kumuha ng Admission Test ngayong Linggo para makapag-aral sa Philippine National Police Academy (PNPA).

Sa datos ng PNPA, nasa 18,169 ang kumuha ng Admission Test ngayong taon, mataas ng 6,000 kumpara noong 2018.


Ayon kay PNPA Spokesperson, Lt/Col. Byron Allatog, hindi normal at hindi nila kinukunsinte ang hazing.

Sakaling makapasa sa Written Exam, sasailalim pa ang mga aplikante sa Medical, Neuropsychiatric at Physical Agility Test bago humarap sa interview ng board.

Nasa 300 lamang ang matatanggap.

Facebook Comments

From Advertisers