HIGIT 18K NA HALAGA NG SHABU NASAMSAM MALAPIT SA SEMENETRYO SA BAYAN NG LAOAC

80

Kalaboso ang isang 46-anyos na lalaki matapos itong kumagat sa isinagawang buy-bust operation na ikinasa ng pulisya sa Barangay Poblacion na malapit sa sementeryo sa Laoac.

Batay sa impormasyon ng pulisya, nakilala ang suspek na si Ronald Garcia residente ng nabanggit na bayan.

Isa umano ito sa drug personality ng bayan kung saan nakumpiska sa kaniya ang 3. 03 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P18, 786 at mga drug paraphernalia.


Nahaharap sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act ang suspek.###

Facebook Comments