Higit 19-M na Pilipino, fully vaccinated na

75

Sumampa na sa 19,376,832 o 25.12% ang mga nabigyan ng 2nd dose o yung mga Pilipino na fully vaccinated na, ayon ito sa datos na nakalap nitong September 22, 2021.

Ito ay galing sa datos na iprinisenta ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque mula sa national COVID-19 vaccination dashboard, mayroong bilang ng 23,282,543 naman ang nakatanggap na ng 1st dose ng bakuna o 30.18%


Ito ay mula sa 42,659,375 kabuuang doses ng mga bakuna na naiturok na.

Samantala, tumaas naman sa 527, 604 ang average daily jabs ang naitatala.

Sa Metro Manila naman 8,323,130 o 85.14% ng kabuuang target population ang nakatanggap na ng 1st dose habang nasa 6,760,863 o 69.16% ang mga fully vaccinated mula sa 15,083,993 doses ng bakuna na naipamahagi kung saan umaabot sa 110,326 ang average daily jabs ang naitatala sa kalakhang Maynila.

Facebook Comments