Higit 2 milyon pasahero, naitala ng PPA na bumiyahe nitong Semana Santa

Umaabot sa 2,258,351 ang naitala ng Philippine Ports Authority (PPA) na bumiyahe sa mga panatalan sa buong bansa.

Ang nasabing bilang ay noong panahon ng Semana Santa mula Palm Sunday hanggang Easter Sunday o April 12 – 20, 2025.

Pinakamaraming naitala ay kahapon na nasa 376,736 kung saan nag-uwian ang mga pasahero mula sa kani-kanilang probinsiya.

Kaugnay nito, inaasahan ng PPA na marami pang pauwing pasahero ang babayihe ngayong araw kung kaya’t patuloy ang ginagawa nilang monitoring at pagbabantay.

Mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ng Philippine Coast Guard (PCG) upang mapanatiling maayos ang pagbiyahe sa mga pantalan sa buong bansa.

Facebook Comments