
Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos ang 250 two-classroom buildings ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. para sa susunod na taon.
Ginawa ang ceremonial turn-over ng mga donasyong gusali sa oath taking ng 265 na bagong halal na opisyal ng FFCCCII sa Binondo Maynila.
Ayon kay Pangulong Marcos, makapagbubukas ito ng mga oportunidad para sa libo-libong batang Pilipino.
Sa pamamagitan ito ng ‘Operation Barrio Schools,’ ng pederasyon kung saan nakapagtayo na ng mahigit 6,300 school building sa buong bansa.
Bahagi ng adbokasiya ng FFCCCII na itaguyod ang negosyo at civic engagements para sa pag-unlad ng ekonomiya sa Pilipinas.
Isa sa pinakahuling proyekto ng pederasyon ay ang pagpapailaw sa Jones Bridge at pagpapaganda ng makasaysayang Binondo Chinatown sa Maynila.