Nagbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong-pinansyal sa 207 na jobseekers na agad na natanggap sa trabaho sa mga isinagawang job fair sa Ilocos Region mula Enero 1 hanggang Hunyo 13, sa ilalim ng Employment Assistance Fund (EAF) ng Sustainable Livelihood Program (SLP).
Mahigit PHP1 milyon ang naipamahagi, kung saan bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng PHP5,000 para sa mga dokumento at medical requirements ng kanilang bagong trabaho. Pinakamaraming nakatanggap ay mula sa Pangasinan (105), sinundan ng Ilocos Norte (46), Ilocos Sur (40), at La Union (16).
Tanging mga indigent o walang sapat na kakayahang pinansyal ang kwalipikado habang awtomatikong kasali ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na hindi pa nakakatanggap ng tulong mula sa SLP.
Kailangan din ng liquidation o ulat sa paggamit ng pera.
Layon ng programa na matulungan ang mga naghahanap ng trabaho na makumpleto ang kinakailangang dokumento upang makapagsimula agad sa trabaho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣