HIGIT 200 NA DAGUPENO, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL

12

NATANGGAP na ng 209 na Dagupeño ang 6, 400 na tulong pinansyal sa isinagawang distribution ng financial assistance sa City Plaza kahapon.

Ang mga ito ay kabilang din sa mga benepisyaryo ng DOLE TUPAD Program kung saan 3, 400 ang tinanggap nilang sweldo sa pagtatrabaho ng sampung araw.


Ang 3,000 pesos naman na kanilang natanggap ay mula sa DSWD sa ilalim ng Assistance for Individuals in Crisis o AICS.

Maliban sa financial assistance nakatanggap din ang mga ito ng tig-isang kahon ng relief packs, libreng consultation at gamot.

Samantala, inaasahan na madagdagan pa ang bilang ng mga Dagupeño ang mabibigyan ng oportunidad na mapabilang sa programa ng pamahalaan.

Facebook Comments