HIGIT 200 NA FRONTLINERS SA PANGASINAN, NEGATIBO SA COVID-19

17

LINGAYEN, PANGASINAN – Nag-negatibo ang 267 frontliners na sumailalim sa isinagawang mass testing ng Provincial Health Office sa Pangasinan. Ayon kay Dr. Anna De Guzman ang Provincial Health Officer nasa 32% pa lamang ito ng kabuuang bilang ng mga frontliners na isinailalim sa mass testing.

Sa kabuuan aabot sa 834 na frontlliners ang sumailalim sa mass testing sa buong Pangasinan. Inaasahan na lalabas na sa susunod na linggo ang resulta ng mga natitirang swab test. Samantala, nag-papatuloy naman ang paalala ng PHO sa mga pangasinene na iwasan muna ang pagbyahe kung di naman kinakailangan habang may banta pa ng COVID-19.


Facebook Comments