HIGIT 200 RESIDENTE SA ILOCOS NORTE, NAKINABANG SA SERBISYONG PANGKALUSUGAN

Nakinabang ang 242 residente ng bayan ng Marcos, Ilocos Norte sa libreng serbisyong medikal sa isinagawang PuroKalusugan ng Provincial Department of Health Office (PDOHO) Ilocos Norte, katuwang ang Provincial Health Office, Local Health Insurance Office, at ang lokal na pamahalaan.

‎Layunin ng programa na mailapit sa komunidad ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan at palakasin ang pagpapatupad ng Universal Health Care.

‎Sa mga benepisyaryo, 148 ang bagong nairehistro sa ilalim ng YAKAP Facility, habang lahat ng 242 kliyente ay sumailalim sa First Patient Encounter para sa komprehensibong pagsusuri sa kanilang kalusugan.

‎Nagbigay rin ang programa ng dental services, laboratory examinations, at chest X-ray upang matukoy at maagapan ang iba’t ibang kondisyon sa kalusugan.


‎Ayon sa PDOHO Ilocos Norte, patunay ang matagumpay na aktibidad ng matibay na pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan upang mailapit ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments