Nasa higit dalawang libo o 2,800 na job vacancies ang naghihintay sa mga naghahanap ng trabaho sa isasagawang Special Recruitment Activity ng lokal na pamahalaan bukas, March 19, 2024.
Mula sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) ng bayan, ang mga bakanteng trabaho ay alok ng mga kumpanya mula sa iba’t-ibang bansa tulad ng Qatar, United States of America (USA), Malaysia, United Arab Emirates at iba pa.
Ayon sa tanggapan ng PESO, nagpapatuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa iba pang pribadong kompanya upang mas marami maibigay na oportunidad sa kanilang mga kababayang Mangaldanians.
Layon ng mga ganitong aktibidad na maingat pa ang buhay ng mamamayan lalo na ang pagbibigay ng oportunidad sa mga nais magtrabaho sa ibang bansa para kanilang mga mahal sa buhay. Isasagawa ang aktibidad sa Municipal Wellness Center ng bayan, mula alas nuebe ng umaga hanggang alas tres ng hapon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨