Higit 2,300 healthcare workers, tinamaan ng COVID-19 ayon sa DOH

56

Pumalo na sa 2,314 ang Health Care Workers (HCWS) na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa nasabing bilang, 938 rito ang nakarekober na sa sakit.


Wala namang bagong naitalang pumanaw na HCW kaya nanatili pa rin sa 35 ang bilang ng mga nasawi.

Sinabi naman ni Vergeire na patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa mga HCW ayon sa kanilang mga propesyon mula April 11, 2020 ay base sa kanilang onset of illness.

Malaki aniya ang natulong ng prevention infection and control measures na istriktong ipinatutupad ng mga ospital para masiguro ang kaligtasan ng frontliners.

Facebook Comments