Dalawang linggo bago ang Undas o araw ng mga patay sa Nobyembre, itatalaga ang higit tatlong daang miyembro ng kapulisan sa bayan ng Mangaldan.
Inihayag ng alkalde ng bayan ng Mangaldan na si Mayor Bonafe de Vera Parayno na bubuo ang team ng isang composite emergency response unit para pangasiwaan ang mga aktibidad sa lahat ng sementeryo sa bayan, gayundin ang mga simbahan at mga lugar na may kadalasang marami ang mga tao.
Dito kasama sa bubuuing unit ang mga kawani ng PNP, BFP, MDRRMO, Public Order and Safety Office (POSO), municipal health office (MHO), Mayor’s Office, General Services Office (GSO), Solid Waste Management, Public Information Office, Community Affairs Office at iba pang force multiplier mula sa mga kinikilalang civic organization sa bayan.
Sa paghahanda para sa Undas, inatasan ng alkalde ang local traffic management team na magtatag ng mga priority lane para sa mga senior citizen, buntis, at persons with disabilities (PWDs).
Bukod pa rito, magbibigay ang bayan ng ‘Libreng Sakay’ (libreng transportasyon) papunta sa sementeryo.
Bukod sa Undas ay pinaghahandaan na rin ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang iba’t ibang malalaking selebrasyon sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments