Umabot sa 336 na wanted persons ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Police Regional Office 1 (PRO1) sa buong rehiyon noong buwan ng Oktubre.
Sa pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, kabilang sa mga naaresto ang walo sa regional most wanted, apat sa provincial level, labing tatlo sa city level, at tatlumpu’t lima sa municipal level.
Nakapagtala rin ang PRO1 ng 276 na iba pang indibidwal na may kinahaharapang kaso na nadakip sa bisa ng kanilang mga warrant of arrest.
Patuloy namang nananawagan ang PRO1 sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagbibigay ng impormasyon upang mapanatili ang katahimikan at seguridad sa buong rehiyon.
Facebook Comments









