Higit 3,000 biyahero, nagtungo sa mga pantalan sa harap ng banta ng bagyong Rolly

26

Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng nasa 1,637 outbound passengers at 1,732 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa bansa nitong All Saints’ Day.

Ayon sa PCG, ang Southeastern Mindanao ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng outbound passengers na nasa 1,152 at inbound passengers na nasa 1,057.


Nakapag-deploy ang PCG ng 1,520 personnel na siyang nakapag-inspeksyon ng 151 vessels at 97 motorbanca.

Ang Coast Guard District Southern Visayas ang nakapag-inspeksyon ng mataas na bilang ng vessels na nasa 37, kasunod ang Western Visayas District na may mataas na bilang ng motorbanca na nasa 64.

Facebook Comments