Higit 3,000 pasahero, stranded sa mga pantalan – PCG

40

Nasa higit 3,000 pasahero ang naitalang stranded ngayon sa mga pantalan.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot sa 3,855 ang bilang ng mga pasahero, drivers at helpers ang stranded sa mga pantalan ng Northern Mindanao, North Eastern Mindanao, Eastern Visayas, Western Visayas, Central Visayas at Bicol Region dahil sa Bagyong Auring.


Bukod dito, nasa 67 vessels, isang motorbanca at 1,602 rolling cargoes din ang stranded sa mga pantalan sa nabanggit na mga rehiyon.

Umaabot naman sa 64 vessels at 40 motorbanca ang nananatili at pansamantalang hindi pinayagang bumiyahe bilang pag-iingat na rin sa posibleng masamang dulot ng bagyo.

Mahigpit pa ring mino-monitor ng PCG Command Center ang lagay ng mga pantalan dahil na rin sa bagyo habang naka-deploy na ang Coast Guard Response Groups (DRGs) sa mga apektadong lugar para sa posibleng evacuation at rescue operations.

Facebook Comments