Higit 30,000 contractual workers, na-regular sa trabaho

100

Aabot na higit 30,000 contractual workers ang na-regular sa kanilang trabaho mula sa iba’t-ibang kumpanya sa bansa.

Ito ang tinatayang datos na huling naitala ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula nitong Enero.


Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – target nilang bumuo ng panibagong Memorandum of Agreement (MOA), kung saan boluntaryong ire-regular ng mga kumpanya ang kanilang mga manggagawa.

Karamihan aniya sa mga na-regular sa kanilang trabaho ay mula sa pinakamalaking mall operator.

Sa ngayon, target din ng DOLE na makapaglikha ng 300,000 hanggang 500,000 regularized workers bago magtapos ang taon, tugon na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments

From Advertisers