
Umabot sa 349,666 na mga pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumiyahe sa mga pantalan sa buong bansa matapos ang naganap na botohan para sa sa 2025 midterm elections.
Sa nasabing bilang, nasa 190,115 outbound passengers at 159,551 ang inbound passengers.
Aabot naman sa 1,461 vessels at 1,405 motorbancas ang sumailalim sa inspeksyon ng mga tauhan ng PCG mula sa 16 na distrito.
Kumpara noong mismong araw ng botohan, bumaba na ang bilang ng mga pasahero na bumiyahe sa mga pantalan.
Ito’y sa kabila ng mas maraming passenger vessels ang bumiyahe kung saan naka-monitor pa rin ang PCG sa mga nagbabalikan o nagsisiuwian na mga pasahero sa kani-kanilang probinsiya.
Facebook Comments