Higit 33% ng kabuuang populasyon ng bansa, fully vaccinated na

55

Umakyat na sa 56.2million doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok ng pamahalaan sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, 33.65% ng target population ng gobyerno sa buong bansa ay fully vaccinated na laban sa virus o katumbas ito ng 25.9million na mga Pilipino.

Habang nasa 30.2 million o 39.28% naman ang nakatanggap na ng 1st dose.


Sa Metro Manila naman, 85.79% ng target population sa rehiyon ay fully vaccinated na rin laban sa virus o katumbas ng 8.3million na mga Pilipino.

Habang 95.20% naman ng target population sa rehiyon ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna o 9.3 million mga Pilipino.

Ayon pa sa kalihim, kahapon ay nasa 538, 836 daily jabs ang naitala o bakunang naiturok ng pamahalaan sa buong bansa sa loob lamang ng isang araw.



Facebook Comments