Higit 40 indibidwal, nakarekober sa COVID-19 sa Maynila

33
Photo Courtesy: Manila PIO

Nakapagtala ang lungsod ng Maynila ng higit 40 na mga residente na gumaling sa COVID-19.

Sa inilabas na datos ng Manila Health Department, nasa 47 ang nadagdag sa mga nakarekober kaya’t pumalo na sa 25,993 ang kabuuang bilang nito.


33 naman ang naitalang nadagdag sa mga aktibong kaso, na sa kabuuan ay nasa 361 ang bilang.

Tatlo naman ang nadagdag sa bilang ng nasawi na ngayon ay aabot na sa 793 habang umaabot sa 27,147 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng virus sa lungsod ng Maynila.

Nangunguna pa rin ang distrito ng Sampaloc na may mataas na bilang ng aktibong kaso na nasa 65, 54 sa Malate, 50 sa Tondo District 1 at 31 sa Tondo District 2.

Facebook Comments