Higit 5 milyong manggagawa, nawalan ng trabaho dahil sa pandemya – DOLE

62

Umabot na sa limang milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Batay sa inilabas na DOLE 2020 Job Displacement Report, halos 500,000 sa mga ito ay dahil sa nangyaring retrenchment o permanenteng pagsasara ng mga establisyimento.


Nanguna sa may pinakamaraming naitalang displaced workers ang industriya ng administrative at support service, pumangalawa ang iba pang service works habang nasa ikatlong puwesto naman ang industriya ng manufacturing.

Facebook Comments