Higit 500 LSIs na nasa Baclaran Church, makakauwi na ng Albay ngayong araw

Makakauwi na ang nasa higit 500 Locally Stranded Individuals o LSIs na pansamantalang nananatili sa Baclaran Church sa ParaƱaque City.

Partikular na babiyahe ngayong araw ay ang mga LSI na mga residente ng Albay sa Bicol Region.

Nasa 20 bus na nanggaling na rin sa Albay ang maghahatid sa mga LSI kung saan isasakay nila ang mga naunang nagpalista nitong nakalipas na linggo.


Halos 100 LSIs naman ang hindi pa makakauwi ng Sorsogon at Eastern Visayas dahil sa inilabas na travel moratorium kaya’t mananatili muna rin sila sa Baclaran Church.

Nabatid na ang lokal na pamahalaan ng Legaspi, Ligao at Manilao sa lalawigan ng Albay ay hindi muna tatanggap ng mga LSI dahil puno pa rin hanggang sa ngayon ang kani-kanilang quarantine facility.

Facebook Comments