HIGIT 500 NA KABILANG SA BHERTS SA MALASIQUI, BAKUNADO NA KONTRA COVID-19

11

Umabot sa 516 indibidwal mula sa iba’t ibang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) sa Malasiqui ang tumanggap ng kanilang first dose ng Sinovac vaccine, ito ay mula sa pagpapatuloy ng COVID-19 vaccination program ng lokal na pamahalaan.

Ang bilang na ito ay mula sa pagsasagawa ng tatlong araw na pagbabakuna sa Arenas Civic Center mula May 5 hanggang May 7, 2021.


Patuloy na hinihikayat ng pamahalaan ang lahat na magpabakuna at makiisa sa programa dahil ito lamang ang tanging paraan para ganap nating mapagtagumpayan ang laban kontra COVID-19.

Samantala, kabilang pa rin ang bayan ng Malasiqui sa watch list ng Provincial Health Office matapos maitala ang mataas na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.

Facebook Comments