Higit 500 Pinoy sa ibang bansa, nag-positibo sa COVID-19

329

Umabot na sa 535 ang bilang ng mga pinoy na nag-positibo sa kaso ng Coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Ayon sa DFA, sa naturang bilang 347 ang sumasailalim sa gamutan habang 133 ang nakarekober na sa COVID-19.

Ikinalungkot din ibalita ng DFA na nasa 55 Pinoy ang nasawi sa naturang sakit.

Ang nasabing datos na hawak ng DFA ay mula sa 34 na bansa o rehiyon na may kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sa ngayon, patuloy na mino-monitor ng DFA ang kalagayan ng mga Pinoy na nasa iba’t-ibang hospital sa ibang bansa habang pinaalalahanan naman nila ang ilan pang mga Overseas Filipino Workers o OFW’s na sumunod sa inilalatag na patakaran ng mga otoridad upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.

Facebook Comments