Higit 5,000 indibidwal sa Bicol Region, inilikas dahil sa pananalasa ng Bagyong Quinta

43

Umabot na sa 5,000 indibidwal sa Bicol Region ang inilikas kasunod ng hagupit ng Bagyong Quinta.

Sa datos ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC), aabot sa 5,518 individuals ang nasa evacuation centers o katumbas ng 1,461 families.


Nasa 946 families o 3,421 individuals ang na-displace sa labas ng evacuation centers.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Albay Governor Al Francis Bichara sa local DRRMC na ipatupad ang kani-kanilang evacuation plans at paganahin ang relief assistance teams.

Facebook Comments