Higit 54k na indibidwal sa Region1 nasa wait listed ng DSWD para sa ayuda

San Fernando, La Union – Umabot na sa 766, 983 na benepisyaryo ng Social Amelioration Program ang nabigyan dito sa Region 1, ngunit marami pa rin ang umaasa at umaapela sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maisama ang kanilang pangalan sa mga mabibigyan ng ayuda.

Ayon kay DSWD Regional Director, Marcelo Nicomedes Castillo, mayroong tinatawag na wait listed ang ahensya na maaring mabigyan ng ayuda ng pamahalaan. Sa ngayon mayroon ng 54, 910 na indibidwal sa apatnapung LGU’s sa rehiyon ang nasa listahan ng DSWD Region 1.

Dagdag pa ni Castillo, kung hindi man naisama ang mga pangalan sa mabibigyan ng ayuda ay may mga livelihood program pa ang ahensya na maaaring makatulong sa mga ito. Makipag ugnayan lamang sa kanilang ahensya. Samantala, isang daan at dalawang LGU’s na ang isang daang porsyento ng tapos sa pamamahagi ng ayuda sa Region 1.


Facebook Comments