Higit 60 opisyal at tauhan ng BOC, sisibakin

69

Nasa 64 na opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BOC) ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo.

Kinumpirma mismo ito ng Pangulo matapos ipag-utos ang pag-freeze sa ilang high-ranking executives ng BOC kasunod ng umano’y P1 billion tapioca-shabu cover up sa ahensya.


Sa kanyang talumpati sa Malacañang kagabi, sinabi ng Pangulo na ipapatawag niya ang mga opisyal at empleyado ng customs na sangkot sa katiwalian para pagpaliwanagin.

Samantala, papapiliin na lang daw ni Pangulong Duterte ang mga mapapatunayang sangkot sa korapsyon, bitiw o kaso.

Facebook Comments

From Advertisers