Higit 60,000 Pinoy seafarers, stranded sa iba’t ibang bahagi ng mundo

Nasa higit 60,000 Filipino seafarers ang stranded sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay United Filipino Seafarers President Engineer Nelson Ramirez, karamihan sa mga Pilipinong stranded ay nagtatrabaho sa karagatan, sa pantalan o sa bunsuran.

Dagdag pa ni Ramirez, isa pa sa dahilan kung bakit stranded ang seafarers ay dahil ayaw ng pamunuan ng kanilang barko na magpalit ng mga tauhan.


Nasa 13 bansa pa lamang ang pumabor sa crew change.

Sa Pilipinas, tanging Port of Manila lamang ang nagpapahintulot ng embarkation at disembarkation ng seafarers anuman ang nationalilty nito.

Dahil dito, sumulat na ang grupo sa Inter-Agency Task Force para buksan ang iba pang pantalan kung saan maaaring bumaba ang mga seafarers.

Samantala, nilinaw ni Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Vice Admiral Robert Empedrad na tanging Port of Manila lamang ang pinapayagan dahil mayroon itong testing capacity at sapat na quarantine facilities para sa mga seafarers.

Facebook Comments