Higit 6K pulis na ipakakalat sa NCR ngayong Semana Santa, handa na

Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakahanda na ang mahigit anim na libong pulis na ipakakalat sa Metro Manila ngayong Semana Santa.

Ayon sa NCRPO mahigpit nilang babantayan ang matataong lugar gaya ng mga terminal, simbahan at iba pang lugar na inaasahang dadayuhin ng mga bakasyunista.

Mayroon ding apat na libong force multiplier at dalawang libong karagdagan pang mga pulis ang maaari nilang ipakalat o i-deploy kung kinakailangan.


Sisiguruhin din ng NCRPO na mas magiging maayos at mapayapa ang paggunita sa Semana Santa ngayong taon.

Facebook Comments