Higit 700 OFWs mula sa iba’t ibang bansa, nakauwi na sa Pilipinas

44

Nakauwi na sa Pilipinas ang mahigit 700 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa iba’t ibang bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 240 na Pilipino ang dumating sa bansa galing Saudi Arabia lulan ng flight SV862.


Dalawang magkahiwalay na commercial repatriation flights din ang dumating na galing naman ng United Arab Emirates.

Lulan nito ang mahigit 500 OFWs na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

May mga dumating ding Pinoy na galing ng Amsterdam at Netherlands.

Ang mga ito ay isinailalim sa swab test at agad na isinailalim sa quarantine habang hinihintay ang resulta ng kanilang test.




Facebook Comments