Higit 800 overseas Filipinos, gumaling sa COVID-19 ayon sa DFA

20

Umakyat na sa 879 overseas Filipinos ang gumaling sa coronavirus disease.

Sa huling datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 2,523 pinoy ang nagpositibo sa virus, kung saan nasa 1,350 ang nagpapagaling.


Ayon sa DFA, mayroong ilang kaso ang nadagdag sa talaan dahil ilang bansa lamang sa Europe at Middle East ang nagbigay ng report hinggil sa status ng mga Pilipino abroad.

Walang naitalang ulat na natanggap sa America, Asia at Pacific Region.

Sa Europe pa rin ang may mataas na bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 na nasa 785, kasunod ang Middle East/Africa na nasa 720.

Ang Asia Pacific Region ang may kakaunting bilang ng COVID infections na nasa 458 at may mataas na recovery na nasa 327.

Nasa America naman ang may mataas na bilang ng mga pinoy na namatay na nasa 150.




Facebook Comments