Higit 800 preso sa Maynila, magtatapos sa pag-aaral ngayong araw

62

Manila, Philippines – Tatanggap ngayong umaga ng diploma ang 820 na mga preso ng Manila City Jail bilang pagtatapos ng kanilang pag-aaral.

Ito ay bahagi ng reformation program ng BJMP na nagsusulong ng edukasyon sa mga bilanggo o tinatawag na person deprived of liberty o PDL.


Ayon sa Manila City Jail ang mga PDL ay nagtapos sa Alternative Learning School o ALS.

Nabatid na ngayong 2019 graduates ang may pinakamataas na graduate student na mga preso.

Habang noong 2018 umabot sa 600 ang bilang ng PDL graduates.

Facebook Comments

From Advertisers