
Umaabot na sa 9,460,780 na balota ang na-imprenta ng Commission on Elections (COMELEC) sa pamamagitan ng National Printing Office.
Ang pag-imprenta ng mga bagong balota ay nagsimula lamang noong araw ng Huwebes kung saan malayo pa ito sa target na 72 million ballots na gagamitin para sa 2025 Midterm election.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, hindi pa rin nila binago ang April 14 na deadline para matapos ang lahat ng balota.
Aminado si Garcia na medyo natatagalan ang manual verification at machine verification ng bawat isang balota.
Pero sa kabila nito, naniniwala ang Comelec at sisikapin nito na matapos ang pag-imprenta kung saan agad nilang ipapadala ang mga natapos na balota sa iba nilang tanggapan para hindi maantala ang ginagawa nilang paghahanda.