Higit 90 katao, patay sa landslide sa Bangladesh

110

World – Umabot sa 92 na katao ang patay matapos na matabunan dahil sa naganap na landslide sa Bangladesh.

Kabilang sa mga natabunan ang limang sundalo na nagsasagawa ng rescue operations.


Nangyari ang pagguho ng lupa dahil sa walang humpay na pagbuhos ng malakas na ulan sa bulubunduking bahagi ng bansa.

Sa kabila ng malakas na ulan, patuloy ang rescue operation.

DZXL558

Facebook Comments