Higit 9,000 health workers, nagkasakit ng COVID-19 – DOH 

50

Sumampa na sa 9,042 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19 matapos madagdagan ng 548 na bagong kaso.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 8,180 healthcare workers ang gumaling at nasa 59 na ang namatay.

Nasa 803 medical workers ang sumasailalim sa treatment of quarantine.

Ang limang medical professions na may mataas na COVID-19 cases ay mga nurse na nasa 3,167 infections, doctors na nasa 1,677, nursing assistants na nasa 702, medical technologists na nasa 418, at midwives na nasa 216 cases.

Higit 500 iba pang non-medical personnel tulad ng utility workers, security guards, at administrative staff ang kasama rin sa listahan. 

Facebook Comments