Higit apat na milyong pisong halaga ng mga pekeng produkto sa Maynila at Malabon, nakumpiska ng NBI

Kinumpiska ng National Bureau of Investigation Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang libo-libong mga pekeng produkto ng mga kilalang brand names sa Binondo, Maynila at Malabon.

Aabot sa mahigit apat na milyong piso ang halaga ng mga nasamsam na pekeng produkto kabilang ang nasa higit dalawang libong piraso ng mga bag at iba pang accesories na nilagyan ng mga brand names.

Kinumpiska nang NBI ang mga nasabing item sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Trademark Infringement at Intellectual Property Code of the Philippines.

Facebook Comments