Higit isang bilyong piso, nakolekta ng LTO sa kanilang online payment system

Nakapagkolekta ang Land Transportation Office (LTO) ng higit isang bilyong piso mula sa kanilang online payment system.

Ayon kay LTO-NCR West Regional Director Clarence Guinto – aabot sa 1.117 billion pesos ang nakolekta mula nang inilunsad ang sistema para sa initial registration ng brand new vehicles sa October 2018 hanggang June 2019.

Ang LTO ay gumagamit ng Landbank Electronic Payment Portal (LBP-EPP), bilang alternative payment system.


Sa ngayon, ipinapatupad ito sa LTO-NCR West at Regional Office 3 pero ilalagay na rin ito sa iba pang regional offices.

Facebook Comments