HIGIT ISANG DAANG BEACHGOERS SA DAGUPAN CITY, NABIKTIMA NG JELLYFISH STING

Pumalo sa mahigit isang daang katao ang natamaan ng jellyfish sting nitong mga nakalipas na araw sa Dagupan City.

 

Ayon sa mga lifeguards na nakapanayam ng IFM News Team, nasa tatlumpo ang average kada araw ng mga nabibiktima ng jellyfish sting, kung saan parehong natatamaan nito ay mga bata at matatanda.

 

Anila, iba ang bilang ng mga nirerespondehan at nalalapatan ng paunang lunas dahil mild lamang, ngunit marami rin ang mga kailangang itakbo sa pagamutan dahil malubha ito.

 

Nitong Easter Sunday, pansamantalang ipinatupad ang No Swimming Policy dahilan ang dumami ang nabiktima ng sting umaga kahapon, bagamat sa kabila nito ay patuloy ding naliligo ang mga beachgoers kahit pa ilang mga responders na ang sumusuway at nagpapaahon.

 

Patuloy namang nakaantabay ang mga responders sa bahagi ng Bonuan Tondaligan Beach ngayong Summer Vacation. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments