HIGIT ISANG LIBONG KAPULISAN, IPAPAKALAT SA MGA PAARALAN SA PAGBUBUKAS NG KLASE

Nakahanda na ang mga kapulisan sa Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa pag-antabay ngayong opisyal na pagbubukas ng school year 2025-2026 sa lalawigan.

Ayon kay Pangasinan PPO Public Information Officer PCpt. Aileen Catugas, 1, 454 na mga kapulisan ang nakadeploy sa mga eskwelahan upang umantabay sa magiging sitwasyon at kaganapan sa mga paaralan at manduhan ang daloy ng trapiko sa kakalsadahan.

Magtatagal ito ng hanggang June 27, 2025 upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng mga mag-aaral, guro, at ng publiko.

Samantala, pinaalalahanan ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak, at sakaling mangailangan ng tulong ay huwag umanong mag-atubiling humingi ng saklolo sa awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments