
Umabot sa 1,620 na kilo ng patay na isda ang nakolekta sa bahagi ng Lakeshore, Taguig sa c na naitala ng Lake and River Management Office o LRMO mula nung April 1 hanggang 16.
Ayon sa LRMO ang mga posibleng sanhi ng fish kill ay ang biglaang pagbaba ng dissolved oxygen sa tubig, mataas na temperatura ng tubig, labis na pagdami ng algae o kaya ay sobrang dami ng isda sa mga fish pens at polusyon o paglabas ng maruming tubig mula sa bahay o agrikultura.
Na-dispose nang maayos ang mga patay na isda upang maiwasan ang mas matinding epekto sa kalikasan at kalusugan ng publiko.
Pero nagpaalala ang LRMO sa mga komunidad na malapit sa Lakeshore, Taguig na posibleng makaranas ng masangsang na amoy sa paligid dahil sa natural na proseso ng pag-decompose ng mga patay na isda na naglalabas ng hydrogen sulfide at ammonia.
Hinihikayat ng LRMO ang lahat na makipagtulungan at agad iulat sa kinauukulan kung may mapansing kakaiba sa paligid ng lawa.