Nasa higit isang libo o kabuuang 1,022 na magsasaka sa bayan ng Manaoag ang benepisyaryo ng dagdag tulong para sa kanilang kabuhayan.
Ibinahagi sa mga ito ang mga fertilizer discount vouchers galing sa Municipal Agriculture Office bilang bahagi ng inisyatibo ng Department of Agriculture.
Suporta ito sa sektor ng magsasaka upang maibsan kahit papaano ang hirap sa gastusin sa kanilang hanapbuhay tulad ng mataas na presyo ng fertilizer.
Naipalit naman kaagad ang mga naturang voucher sa Municipal Warehouse kung saan ang mga accredited merchants ng Department of Agriculture.
Makatutulong ang pamamahaging ito sa mga magsasaka upang mapataas pa ang kanilang produksyon ng palay na kanilang maaani. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments