Higit isang-libong preso ng Cotabato District Jail, nagsakripisyo ng kanilang pagkain para makatulong sa mga bakwit sa Marawi

57

Marawi City – Higit isang-libong preso ng Cotabato District Jail ang nagsakripisyo ng kanilang pagkain para makatulong sa evacuees na apektado ng bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Jail Warden Supt. Simeon Dolojo – nakakalap ang nasa 1, 400 preso ng halos 30-libong piso makaraang iambag ang kanilang 20 pesos na meal allowance bilang donasyon.

Ang pera ay ibibili ng bigas, noodles at canned goods na ipamimigay sa mga bakwit.

Maging ang mga jail guards ay nag-ambag din matapos na ma-inspire sa ginawa ng mga preso.

Aniya, kusang-loob nila itong ginawa.

Dinala na ng Cotabato District Jail ang mga donasyon sa Bureau of Management and Penology sa Koronadal City.

Facebook Comments