Aabot na sa mahigit 1.4 milyong residente ng Pangasinan ang nakarehistro sa Konsultasyong Sulit at Tama (Konsulta) program ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), o halos 50% ng populasyon ng probinsya noong buwan ng Mayo.
Ayon kay PhilHealth Ilocos Regional Vice President Dennis Adre, malaki ang kontribusyon ng partnership ng PhilHealth at ng lokal na pamahalaan.
Sa kabuuang bilang ng mga miyembrong naka-enroll sa Konsulta, 600,945 na ang nakinabang sa mga serbisyong medikal na ibinibigay mula nang magsimula ang taon.
May 81 accredited na ospital at klinika naman sa probinsya bilang Konsulta providers, 75 dito ay mga pampublikong pasilidad at 6 ay mga pribadong ospital.
Ayon naman kay Dr. Edwin Mercado, presidente ng PhilHealth, layunin nilang palawakin ang benepisyo ng Konsulta, partikular sa primary care, screening, at early detection ng mga sakit.
Samantala, inihayag din ng pamahalaang panlalawigan na sila ay nag-iinvest sa kanilang 14 na ospital upang mapabuti ang serbisyong pangkalusugan ng mga residente, kasunod ng Universal Health Care Law. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣