Pumapalo sa higit kalahating milyon ang bilang ng mga estudyanteng hindi pa naka-enroll sa buong Rehiyon Uno sa muling pagbubukas ng klase noong Lunes, Hunyo 16.
Ayon kay Dr. Cesar Bucsit, Information Officer ng Department of Education (DepEd) Ilocos Region, tinatayang nasa 2.1 milyong mag-aaral ang inaasahang mag-e-enroll ngayong taon. Sa bilang na ito, mahigit 600,000 pa lamang ang nakapagtala ng kanilang enrollment sa unang araw ng pasukan.
Nagpapatuloy ang enrollment hanggang sa buwan ng Hulyo. Ayon kay Bucsit, may ilan pa ring humahabol sa enrollment at tinatanggap pa rin sila ng mga paaralan.
Batay sa paunang assessment ng mga awtoridad, naging generally peaceful ang pagbubukas ng klase sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments